Studio 23
Ang Studio 23 ay isang network pangtelebisyon na pinangagasiwaan at pagmamay-ari ng ABS-CBN Broadcasting Corporation. Ang kanilang punong tanggapan ay matatagpuan sa Eugenio Lopez Communications Center (ABS-CBN Broadcast Center) sa Mother Ignacia St., Sgt. Esguerra Ave., Diliman, Lungsod Quezon. Sa Kalakhang Maynila, ang kanilang himpilan ay DWAC-TV Channel 23.
